Google

Wednesday, September 12, 2007

Panalangin kay Birheng Presentacion

Oh Birheng Presentacion, samahan mo po kami, na maisabuhay lagi, ang amin Binyag; ang kami'y patuloy na maging karapat-dapat na mga ampon na anak ng Diyos; ang kami'y patuloy na maging tagapagmana ng langit; na kami'y magkakapatid na dapat na magmahalan; Oh Reyna ng Simbahan, patuloy mo po kaming ipanalangin, na kami'y laging lukuban ng Banal na Espiritu. Aming Ina, pangunahan mo kami, na sambahin ang Ama dito sa lupa para nang sa langit...Oh aming Ina ipamagitan kami, na bigyan kami ng aming kakanin sa araw-araw....at ipanalangin mo po kami, ngayon at kung kami'y mamatay. Amen.

No comments: