Google

Thursday, November 19, 2009

Himala ng Birheng Presentation

Ang Birhen Presentacion sa Panducot, Calumpit, Bulacan ay tunay na mapaghimala, maraming dumadayo ay namamanata (devotees) dito. Ang nasabing imahen ay kasama sa nasunog na dating simbahan subalit ito ay natira at hindi man lang nadilaan ng apoy. Ang kapistahan ng Birhen Presentacion sa Panducot ay ginaganap tuwing ika 21 ng Nobyembre, ang mga deboto ay sumayaw habang ito ay piniprusisyon at bago ipasok sa simbahan. ang mga bulaklak sa karo ay kinukuha ng mga deboto pagkatapos ng procession. Sinabing ito ay inilalaga at pinapaligo ng maysakit o kaya ay sinasaboy sa pananim para sa magandang ani. Until now ay pinagtatakhan pa rin kung bakit ang imahen ay kailangan pang tatlong tao ang magbuhat at kung magkaminsa naman ay kahit isa maliit na tao ay nabubuhat ito, sinasabi nang mga tagarito na ayaw sumama ng birhen kung kaya bumibigat. Ang imahen Ng Birhen ay nasa pag iingat ng IFI o mas kilala sa Aglipay.

Belen C. Tolentino
Deboto