Google

Wednesday, January 14, 2015



Schedule ng Misa

Wednesday and Friday -6:30PM

Tuesday and Thursday-6:30PM (Home Visit Mass)

Saturday-----------------6:30AM

Sunday-------------------6:00am, 8:00AM,10:00am (English Mass)                                   
                                             and 6:00PM


Thursday, October 11, 2012


October 12, 2012-Friday

Let us pray the Rosary this Friday with our Blessed Mother, Lord hear us.

1. For Pope Benedict XVI, bishops, priests, & religious, may God give them grace,wisdom to touch the lives & hearts of many during the Year of Faith
2. May the New Evangelization be fruitful, bring many souls to worship the Almighty God and seek the Lord's peace, mercy, and charity.
3. We pray for our brethren who are persecuted for their faith or religion.
4. May common prayer bring world peace & unite us, as beads of a Rosary
5. May God lead His people away from materialism to the richness of spirit
6. For the dignity of every human life from conception to natural death
7. We especially pray for government leaders, may they be true to their faith, sincere in promises, bring justice to criminals, & sow peace to nations
8. Families, may God grant parents the grace to raise their children closely in the faith that will prepare them to be witnesses of Christ
9. May we be born again, and receive faith as a child to do God's will.

Tuesday, October 9, 2012



Please Read...


God sent His only Son Jesus Christ to die for our sins.

Jesus is the Son of God. He lived a sinless life and then died on the cross to pay the penalty for our sins. "God demonstrates His own love for us in that while we were yet sinners Christ died for us."
Jesus rose from the dead and now He lives in heaven with God His Father. He offers us the gift of eternal life -- of living forever with Him in heaven if we accept Him as our Lord and Savior. Jesus said "I am the way, the truth, and the life. No one comes to the Father except by Me."
God reaches out in love to you and wants you to be His child. "As many as received Him, to them He gave the right to become children of God, even to those who believe on His name." You can choose to ask Jesus Christ to forgive your sins and come in to your life as your Lord and Savior.

4If you want to accept Christ as your Savior and turn from your sins, you can ask Him to be your Savior and Lord by praying a prayer like this:

"Lord Jesus, I believe you are the Son of God. Thank you for dying on the cross for my sins. Please forgive my sins and give me the gift of eternal life. I ask you in to my life and heart to be my Lord and Savior. I want to serve you always."



Dear Heavenly Father, 

I thank you for each and every person in here today. 
I give you praise Dear Father, for your grace and goodness and for ALL that you are. 
Today Dear Father I pray for your blessings upon all our brothers and sisters here. Help them in the things they face daily. Be the strength in their weaknesses Dear Father. 
I ask Dear Father that you keep a shield of protection around our brothers and sisters and that you will guide their steps today. 
Pour out your love on them today Dear Father and keep them safe. 
In Jesus name....AMEN!!

Tuesday, February 21, 2012

Christian Life Program Opening

Ang komunidad po ng Couples for Christ ay magdadaos ng Christian Life Program sa ika 14 ng Abril sa ganap na 2:00 ng hapon na gaganapin sa ating parokya.

Ang lahat po ng mag-asawahan ay inaanyayahan sa nabangit na programa. Makipag-ugnay po sa mga miyembro ng Couples for Christ para sa mga detalye.

Maraming Salamat po at pagpalain nawa tayo ng POONG MAYKAPAL.

COUPLES FOR CHRIST..
MOJON/MENZYLAND/STMA. CHAPTER


Thursday, November 19, 2009

Himala ng Birheng Presentation

Ang Birhen Presentacion sa Panducot, Calumpit, Bulacan ay tunay na mapaghimala, maraming dumadayo ay namamanata (devotees) dito. Ang nasabing imahen ay kasama sa nasunog na dating simbahan subalit ito ay natira at hindi man lang nadilaan ng apoy. Ang kapistahan ng Birhen Presentacion sa Panducot ay ginaganap tuwing ika 21 ng Nobyembre, ang mga deboto ay sumayaw habang ito ay piniprusisyon at bago ipasok sa simbahan. ang mga bulaklak sa karo ay kinukuha ng mga deboto pagkatapos ng procession. Sinabing ito ay inilalaga at pinapaligo ng maysakit o kaya ay sinasaboy sa pananim para sa magandang ani. Until now ay pinagtatakhan pa rin kung bakit ang imahen ay kailangan pang tatlong tao ang magbuhat at kung magkaminsa naman ay kahit isa maliit na tao ay nabubuhat ito, sinasabi nang mga tagarito na ayaw sumama ng birhen kung kaya bumibigat. Ang imahen Ng Birhen ay nasa pag iingat ng IFI o mas kilala sa Aglipay.

Belen C. Tolentino
Deboto

Thursday, September 13, 2007

Kasaysayan ng Unang Kristiyanismo sa Bulakan

Dumaong sina Magellan sa Limasawa noong Marso, 1521. Inihandog nila ang imahen ng Sto. Niño kina Rajah Humabon...

Nagkaroon ng labanan sa Mactan, nagapi ng mga katutubo sina Magellan..
Tatlo pang ekspedisyon mula sa Espanya ang pinaglayag upang matagpuang muli ang lupaing nadiskubre ni Magellan. Ang mga ito ay ang grupo ni Loaysa na naglayag noong taong 1525, ni Suavedra noong taong 1527, ni Villalobos noong taong 1542..Subalit bigo silang lahat upang ito'y muling masilayan...

Isa pang ekspedisyon mula sa Guadalajara, Mexico ang inilunsad sa pamumuno ni Miguel Legaspi noong Nobyemre 21, 1564. Dumaong sila sa Leyte noong Pebrero 1565, tumuloy sila sa Cebu noong Abril 26, 1565. Nakita nila doon ang imahen ng Sto. Niño de Cebu na bigay ni Magellan kay Rajah Humabon...

Sina Martin de Goite ay dumaong sa Maynila noong taong 1570, Itinanghal nila doon ang Sto. Niño de Tundo...

Noong 1572, dumaong sina Padre Diego Vivar Ordon sa Brgy. Meyto, Kalumpit (bonderi bg Bulakan at Pampanga). Doon ay idinambana nila ang Santa Krus at ipinagdiwang nila sa mga katutubong Bulakenyo ang Imahen ng "Our Lady of the Lord's Presentation" o ang imahe ng Pagdadala ng Mahal na Birhen sa Niño Jesus sa Templo, na nakasanayan tawagin ng mga katutubo na "Birheng Presentacion".

Upang bigyan kahalagahan ang makasaysayang lugar na pinagdaungan at mistulang pasimula ng Kristiyanismo sa lalawigang Bulacan at simula ng bayang Calumpit, minarapat ng "Bulacan Tourism" at ng pamahalaang bayan ng Calumpit, sa pagsuporta ng "National Historical Commission" ang paglalagay ng "Calumpit Historical Shrine" sa makasaysayang lugar. Naipagawa ang nasabing Dambanang Pangkasaysayan noong Mayo 28, 1994.

Ayon sa tala ng kasaysayan, sa Brgy. Panducot (kasunod ng Brgy. Meyto) itinayo ng mga Agustino-Misyonero ang simbahan ng Birheng Presentacion noong taong ding 1572. Ang simbahang ito ng Birheng Presentacion nilang Pangunahing Himpilan ng kanilang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga karatig lugar, na ng malaunan ay mapapagkilala bilang mga bayan ng Calumpit, bayan ng Bulacan, bayan ng Hagonoy at bayan ng Malolos.

Ang mga Misyonerong Paring Agustino sa inspirasyon at patnubay ng Birheng Presentacion ay nagtatag ng mga Simbahan, kasabay ng pagtuturo ng Relihiyon o pagmumulat batay sa mahalagang katotohanan ng Pananampalataya.

Ang Buhay-Kristiyano ay nagsisimula sa Muling Pagsilang sa "Tubig at sa Espiritu:, o SAKRAMENTO NG BINYAG (Jn. 3:5). Kaya't itinatag nila noon ang simbahan ni San Juan Bautista sa Kalumpit, noong taong 1575.

Na ang muling pagsilang o binyag ay hindi nagwawakas sa kamatayan kundi sa Buhay na walang hanggan sa langit.Kaya't itinatag nila sa Bulacan, Bulacan ang Simbahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen o Asuncion noong taong 1578.

Sa pagitan ng binyag at ng Asuncion, binigyang diin ng mga Misyonero Agustino ang kahalagahan at kabanalan ng Buhay-Kristiyano sa loob ng Tahanan o Pamilya. Kaya itinatag nila noon ang Parokya ni Santa Ana sa Hagonoy, Bulacan noong 1580 bilang pagdakila sa Banal na Mag-Anak nina Maria, Ana at Joaquin.

At itinatag din nila ang simbahan ng Immaculada Concepcion sa Malolos, Bulacan noong 1581 bilang pagtatangi sa Ina ng Diyos na di nadungisan ng sala noong ipaglihi siya ni Santa Ana.

Sa pagdaraan nang panahon, ang mga Misyonero-Agustino sa patnubay ng Birheng Presentacion ay patuloy sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa buong lalawigan ng Bulacan, kaalinsabay nang pagdami ng mga binyagan sa lahat ng dako ay ang pagtatatag ng mga bagong Paroquia at Poblacion. Ganito ang pagkakasunod-sunod ng pagkakatatag:

Calumpit taong 1575, (maari din 1572 sapagkat ang mga brgy. Meyto at Panducot ay kapwa sakop ng bayang Calumpit)
Bulakan, Bulakan 1580 ; Hagonoy taong 1580; Malolos taong 1581; Bigaa (Balagtas) taong 1596; Quingua (Plaridel) taong 1602; Paombong taong 1619; Guiguinto taong 1641; Angat taong 1683; San Miguel taong 1725; Baliwag taong 1732; Pulilan taong 1749; San Rafael taong 1850; Norzagaray taong 1857; Bustos taong 1867 at San Ildefonso taong 1885.

Tunay na pinagpala ng Diyos ang gawaing ito ng mga Agustino-Misyonero sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ating lalawigan. Gayun na lamang ang kanilang kasiyahan sa diwa nila, "na kung sa unang dinaungan sa Brgy. Meyto ay Santa Krus ang simbolong pananda nila, na nangangahulugan ng kanilang kahandaang magpakasakit hanggang kamatayan sa ikagaganap ng kanilang misyon....;Sa Panducot naman ay imahen ng Mahal na Birheng Presentacion ang kanilang itinanghal upang lumagi sa kanila ang pangungusap ng Birheng Mahal na, "Narito ang alipin ng Panginoon maganap sa akin ang iyong salita". Na anuman ang kahinatnan ng kanilang buhay,tulad nang suungin nila ang mapanganib na paglalakbay sa karagatan; na lantad sa lahat ng unos at bagyo, tulad ni Maria, ang kailang buhay ay pinauubaya nila't inihahandog sa kalooban ng Poong Maykapal. Na bagamat may bahagyang sagi ng pag-aalinlangan, matibay ang kanilang pananalig na ang Diyos ang kanilang saligan at alam nilang hindi Niya sila pababayaan. handog ng mga misyonero sa Diyos ang kanilang buong buhay. Na sa pamamagitan ng kanilang misyon ay maihandog ng Mahal na Birhen ang Nino Jesus sa mga katutubong Bulakenyo, at maihandog ng mga taga- Bulacan ang kanilang buhay kay Jesus sa tulong at pamamagitan ng Birheng Presentacion.

Ang Simbahan ng Birheng Presentacion sa Panducot ay naging katangi-tangi sa pag-iral sa loob ng 341 taon, mula 1572 hanggang 1913. Ito ay nasunog noong ika-19 ng Nobyembre, 1913 kaugnay na rin ng pagiging mga Aglipayano ng mga taga Meyto at Panducot noong taong 1904. Nang hindi pa ito nasusunog, nakilala ito ng mga biyahero na mga taga Bulakan, Bulakan, Malolos, Paombong, Hagonoy, Pulilan, Calumpit, Plaridel at mga kapampangan. Alam ng mga deboto ang kaugnayan nila sa Birheng Presentatcion, malaki ang pangungutang-loob nila sa Patronang ito kaugnay ngpagpapasimula ng kanilang buhay Kristiyano at paglaganap ng Pananampalatayang Katoliko sa buong lalawigan.

Una pa sa pagkakaroon ng “Calumpit Historical Shrine” sa Brgy. Meyto na naipatayo noong 1994 ay ang muling pagpapagawa ng Simbahan ng Birheng Presentacion sa Brgy. Panducot noong 1986. Sa pagkakataong ito, isang kapelya ang anyo nito, Ito ay pang-ala-la sa unang Simbahan ginawa ng mga misyonero noong taong 1572, na nasunog noong Nobyembre 19, 1913.

Ang mga Brgy. Meyto na nag Patron ay Santa Krus at Panducot naman-ang Birheng Presentacion ay kapwa mga brgy. na sakop ng Parokya San Jose, Calumpit na naitatag noong 1952. Sa mga naging kaganapan ng kasaysayan sa mga lugar na ito, tunay na ginampanan ni San Jose ang kanyang pangangalaga at pagtatangol sa mga mananampalataya.

Ang Debosiyon sa Birheng Presentacion

Ang Pagdedebosyon sa Mahal na Birheng Presentation ay nakabatay sa banal na panulat ni San Lukas 2:22-48 na sa pag-aalay ng ating buhay:

1. Sa diwa ng Purificacion, mapasaating ang kalinisan ng kaluluwa, na nakapangyari na't inihandog sa atin ng tayo'y binyagan, na maging modelo natin ang Mahal na Birhen sa kalinisan ng kaluluwa. Maisabuhay nating lagi ang ating binyag. Sa mga pagkakataon tayo'y nagkakasala, pagsisisi't pagdulog sa pangungumpisal ang nararapat;

2. Sa diwa ng Candelaria “ Tanggapin mo ang liwanag ni Kristo”. Siya ang Liwanag ng daigdig na pangako at kilik ng Birheng Presentacion- sa palagiang pagsisimba at pangungumunyon, tayo'y mistulang liwanag ng ating kapaligiran sa pagbibigay ng mabuting halimbawa na naka-ugat sa Ebanghelyo ng Panginoong Jesus.

3. Sa diwa ng Presentacion, na tayo'y nakatalaga sa Diyos, sa pagtatalaga ng ating maghapon sa Diyos sa buhay panalangin, sa palagiang pagdalaw natin sa santisimo Sakramento sa Adoracion Chapel, na ang ating pananagutan, paghahanapbuhay at paglilingkod ay naka-ugat sa paghahandog ng ating buhay sa Diyos at sa Kapwa.

4. Sa diwa ng Dolorosa, “ Isang balaraw ang tatarak sa iyong puso....” na ang katatagan natin sa mga pagsubok at sakripisyo ay nakaugnay sa buhay pagtitiwala at pagsampalataya, sa patuloy na paghubog sa atin sarili sa ilalaim ng Krus at sa pagmamahal ng Diyos sa atin tulad ng sa Panginoon at ng sa kanyang ina.

5. Sa diwa ng awit ng matandang Simeon, “Kunin mo na Panginoon ang iyong abang alipin...” ang kahandaan natin sa kamatayan, bawat pagtulog ay larawan ng kamatayan, bawat paggising ay pagkabuhay, bawat maghapon ay pag-aalay ng buhay sa pagpapalaganap ng kaligtasan, at ang patuloy natin pag-iral sa Puso ni Jesus at ng Mahal na Ina sa kalwalhatian.

Sa diwa ng pagpapatuloy ng Misyon at Debosiyon ng Birheng Presentacion, sa diwa ng mga Banal na Lugar na pasimula ng Kristiyanismo sa ating lalawigan, sa diwa ng pagpapahalaga sa kasaysayan, higit sa lahat sa diwa bg patuloy na Paghahandog ng ating buhay kay Jesus sa tulong ng Birheng Presentacion at Paghahandog sa atin ng Mahal na Birhen kay Jesus, nakapangyari ang Pagkakatatag ng Parokya ng Birheng Presentacion sa Maunlad Homes Subdivision, Mojon, Malolos City, Bulacan noong ika-10 ng Hunyo taong 2003. Nakapangyari ito sa kalooban ng Diyos at sa kapahintulutan at kapangyarihan ng Santa Iglesia.

Sa pasimula, ito ay itinalaga muna bilang isang quasi-Parish noong ika-22 ng Hunyo, 1999. Ito ay pinabanal, kinunsagra at itinilaga noong ika-2 ng Pebrero, 2003. At ganap na idineklarang Parokya noong ika-10 ng Hunyo, 2003.

Ang pagkakatatag ng Parokyang ito ay nangangahulugan din ng pang-alaala sa pasimulang kasaysayan ng paglaganap ng Kristiyanismo sa lalawigang Bulakan sa pamamagitan ng Birheng Presentacion. Na ang Birheng ng Presentacion ay karapat-dapat na mapagkilalang Bana na Ina ng Bulakan, “Our Blessed Mother of Bulacan”.

Bago pa man maitatag ang Parokyang ito, pinagtibay ng Konseho ng Probinsiya sa Resolusyon Blg. 16, ang paglalagak ng isang imahen ng Birheng Presentacion ( ito ay ikalawang Replika, ang una ay nasa Parokya ng Birheng Presentacion sa Maunlad) noong ika 30 ng Enero, 1996 sa pangunahing bulwagan ng Kapitolyo ( sa Gen. Isidro Torres' Hall ) ng lalawigang Bulakan. Ang Birheng Presentacion bilang, “Our Blessed Mother of Bulacan”.

Taun-taun tuwing Bisperas ng kapistahan, Pebrero 1, sinusundo ng mga deboto at mananampalataya ng Parokya ng Birheng Presentacion ang imahen sa kapitolyo papuntang Maunlad Homes, upang ika nga'y ang diwa ng Pagbubunyi ng buong lalawigang Bulacan sa kanyang Kapistahan, Pebrero 2 ay mapagtibay sa kamalayan.

PANAWAGAN MAGING DEBOTO NG BIRHENG PRESENTACION

Maraming titulo sa mahal na Birhen, kasama na ang iba't-ibang anyo ng debosiyon at samahan sa pagpaparangal sa kanya. Ang lahat ng ito ay laganap sa iba't ibang bayan. Ang mga ito kalugod-lugod. Kung mayroon man pagkakaiba-iba ng katawagan sa mahal na Birhen at anyo ng debosiyon, iisa pa ring Inang Birhen Maria sa langit ang ating pinararangalan. Ang lahat ng ating pagpaparangal sa kanya ay dapat na ayon sa turo at patnubay ng ating Simbahan.

Sa higit pang ikatitibay ng kaisahang umiiral sa lahat ng mga deboto ng mahal na Birhen, harinawang makatulong ang pagkilala natin sa mahal na Birheng Presentacion, Banal na Ina ng Bulacan, na siyang magbubuklod pa sa ating lahat bilang kanyang mga anak sa lalawigang ito ng Bulacan.

Wednesday, September 12, 2007

Panalangin kay Birheng Presentacion

Oh Birheng Presentacion, samahan mo po kami, na maisabuhay lagi, ang amin Binyag; ang kami'y patuloy na maging karapat-dapat na mga ampon na anak ng Diyos; ang kami'y patuloy na maging tagapagmana ng langit; na kami'y magkakapatid na dapat na magmahalan; Oh Reyna ng Simbahan, patuloy mo po kaming ipanalangin, na kami'y laging lukuban ng Banal na Espiritu. Aming Ina, pangunahan mo kami, na sambahin ang Ama dito sa lupa para nang sa langit...Oh aming Ina ipamagitan kami, na bigyan kami ng aming kakanin sa araw-araw....at ipanalangin mo po kami, ngayon at kung kami'y mamatay. Amen.